iF aLL eLSe taiL, wOuLd yOu bE tHeRe tO LoVe mE? iF aLL eLSe faiL, wOuLd yOu bE bRavE tO sEe rigHt tHrOugH mE?.....
   

<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed

Mar 31, 2005
RESUME

Sa tuwing naglalakad ako papuntang SM, sa tuwing pupunta ako sa kanto namin para sumakay ng jeep, o kaya naman sa kahit saan ako magpunta ay iisa lang ang kinahihinatnan ng mga kababaihang gaya ko kapag nasasalubong namin ang mga truck.... Hindi ko malaman kung bakit iisa ang profile ng bawat truck drivers.. Sa tuwing makakakita kasi sila ng mga babae sa daan ay manunutsot sila, o di kaya hihintuan ka pa at pasasakayin, minsan pa eh tatanungin pa kung saan ka ba pupunta. "Hi miss sakay na!" yan ang madalas nilang sabihin.. Minsan tuloy iniisip ko na required ba yon sa kanilang trabaho? Hindi ba sila matatanggap kung hindi sila marunong mambastos ng babae? Kailangan bang isulat un sa kanilang resume o bio-data?? Siguro OO dahil doon lang naman ata sila nakakakita ng babae sa buong buhay nila kaya pagbigyan na lang natin sila.. Necessity iyon sa kanilang trabaho.. Truck drivers RULE!!! AMP!

Posted at 05:39 pm by elleic_cielle
 

Mar 30, 2005
BYAHENG LANGIT PART II

As i was saying, nakarating na nga ako ng Imus.. Pagbaba ko sa overpass derederecho akong pumunta ng jollibee upang umihi ng panandalian. Pagpasok ko tumambad sa akin ang crew sa cashier at sinabing "ma'am can i take your order?". Dahil nga wala akong kaplano-planong bumili dahil iihi lang naman ako, sinenyasan ko sandali ang babae at sinabi kong pupunta muna ako ng CR. Matapos ang isang dekadang paghihintay (oo dahil isang cubicle lang meron sa jollibee) ay sa wakas naabot ko na rin ang naunsyami kong pangarap! Ewan ko ba kung bakit ganoon ang takbo pagdating sa Female Comfort Room.. Mayroon kasing isang salamin at faucet sa loob. Nakakainis ba naman ang isang babae dun na kinakarir na ang salamin at gripo! Sinakop niya ang buong ispasyo para walang makasingit sa kanya! Kulang na lang ay bigyan niya ng diamond ring at magpropose ng "will you marry me?" sa harap ng salamin! Ang masaklap akala mo naman mala-adonis ang dating eh mukha siyang raisin! AMP!

Lumabas na ako ng C.R. at tinakasan ko ang taga-kuha ng order....

Ngayon, papunta na ako ng medicion at iisa lang naman ang paraan ng pagpunta doon. At iyon ay ang sumakay sa Jaguar! oo tama dahil ginto ang presyo ng pamasahe sa tricycle doon! daig mo pa ang magrenta ng Limo (yeah Finding Nemo) kung tutuusin.. Ano bang espesyal sa mga nasabing tricycle? Kaya ka bang dalhin nun sa nakaraan at hinaharap? May libre bang freebies at masahe bago bumaba? O kahit sweet lover (yeah basta drayber sweet lover dba?) man lang.. yak! Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit napaka-mahal ng pamasaheng sinisingil nila! Samantalang ang pamasahe sa FX o van mula imus papuntang alabang ay 25 pesos lang! Ang bus mula palapala hanggang imus ay 20 pesos lang (air-con pa) at jeep mula lasalle hanggang palapala ay 9 pesos lang! DOES SIZE REALLY MATTER??? SMALL BUT TERRIBLE NGA BA TALAGA?? malamang oo dahil terible ang kahihinatnan ng isang pasahero kung sakali (wag naman sana) ay mabangga ang "special kunong tricycle" sa isang ten wheeler truck!

Wag na nating pahabain ang istorya, napilitan na lang akong sumakay sa nasabing JAGUAR dahil no choice na naman ako!.. Pagsakay ko, ok lang naman. May sounds pa nga eh na rinig hanggang binakayan! Daig ko pa nag-horse back riding sa sobrang dagundong sa loob! Akala ko nasa eastwood ako dahil tila pang-bar ang tugtog. Nagmunimuni ako sandali at nalanghap ko ang hindi inaasahan.. inamoy ko ang paligid ngunit wala namang tambak ng basura. Naligo naman ako at nagpabango pa! "ano yun??" sabi ko.. paglingon ko sa kaliwa na kung saan tanaw ko si mamang sweet lover the drayber, gusto kong kumuha ng baso o tabo man lang pansalok sa iskimo alulod na butas na tumutulo niyang kilikili! AMP anak ng... &&*%*$*&*!! amoy bayabas talaga! hindi na niya kailangan ng air freshener sa tricycle niya dahil provided na niya iyon! Pinikit ko ang aking mga mata at saka ko nasabing byaheng langit talaga ito.. At tumambad na ang tahanan ng aking mahal na kaibigan. Inabot ko (take note slo-motion) ang bayad sa drayber.. "25 pesos ho ma'am.." ika niya. at doon napagtanto ko kung bakit espesyal talaga ang bayad sa kanila... deserving naman talaga sila eh dahil kaya pala sila namamasada ay upang makapuhunan pambili ng rexona... (may mini-stick naman eh)

Nagdoor bell na ako pagkatapos. Tumambad sa akin ang kaibigan ko at sinabing "uy penge naman bayabas!".....


Posted at 09:42 pm by elleic_cielle
 

BYAHENG LANGIT PART I

Dahil sa sobrang init at pagkabato ko sa bahay ay naisipan ko na lamang dalawin ang aking kaibigan sa Imus, Cavite. Sinilip ko ang wallet ko at umasang may sapat na pamasahe ako back and forth. At nasiyahan ako sa aking nasaksihan sapagkat may natitirang 150 pesos sa aking pitaka. "Tamang tama ito pang-bus at pang-tricycle, may matitira pang pangkain ito.." sabi ko. Agad-agad akong nagbihis, ay naligo muna pala at tumuloy na ako sa aking destinasyon. Pagsakay ko sa bus, binigyan agad ako ng tiket. Umandar na naman ang pagka-pilosopo ko at napaisip muli ako. BAKIT kaya binibigay agad ang tiket bago magbayad? hindi ba ang tiket sa mga concert ay iniaabot na lamang kapag bayad ka na at ipapakita na lamang iyon kapag papasok ka na sa loob? "napakatanga" naman sabi ko. sapagkat mayroon ako dating nakasakay na hindi tuloy nakapagbayad ng pamasahe dahil nga masyadong advance ang pagbigay ng tiket. Sa bandang unahan kasi kami nakaupo non, kaya habang busy mamigay ng iba pang tiket ang kundoktor sa likod ay dumating ang ticket inspector. Patakaran ng bus ang "keep ticket for inspection" dahil doon mapapatunayan kung bayad ka na ba o hindi. Eh dahil nga sa advance distribution of tickets nang hindi pa sinisingil ang bayad, pinakita ng katabi ko ang tiket niya sa inspector. Akala tuloy ng inspector ay nakapagbayad na siya kasi may ticket na siya at iyon din ang nasa batas bus. Ang lokong pasahero sabay para na sa driver. Natakasan niya tuloy ang pagbabayad. Kawawang kundoktor, binawas tuloy sa sweldo niya ang hindi nabayarang ticket.

Pagdating ko ng Imus, bumaba ako sa bandang overpass. Dahil "No Jaywalking" ika ng MMDA. Sa takot kong mamultahan ay inakyat ko ang nasabing overpass. Nainis pa ako sa mga Pilipino sapagkat ang dami kong nakikitang nagtatawiran samantalang ang laki-laki ng karatulang NO JAYWALKING. Napaka-pasaway! sabi ko.. Pag-akyat ko sa overpass, tumambad sa akin ang isang bangungot na lugar. Siguro kapag tinawid ko ang daanang iyon ay daig ko pa ang kalabaw na nag-araro ng limang daang siglo. Napakaputik ng daan at ang baho pa! Daig pa ang poso negro sa sahol ng amoy! Siguro trip ng mga tao lalo na ng mga lalake na umihi sa mataas na lugar para makita ang trapik at view ng Imus kaya nakuntento sila na jumingle sa overpass!! Dahil sa sobrang dismaya ko sa overpass, pinigil ko ang aking paghinga ng ilang segundo.. Pagdating ko sa gitna ng overpass, may kumalbit pa sa akin na isang batang babae humihingi ng panlimos. Dahil nga pigil ang aking paghinga, ayaw ko sana magsalita kaya iniwasan ko na lang siya tutal wala naman akong barya. Ngunit sadyang makulit ang bata, pinahiran pa ako ng kulangot! AMP!!! *&%#$%^$&$^!!! lahat ata ng mura binanggit ko sa utak ko! Dahil sa sobrang inis ko, di na ako nakapagpigil magsalita! "UMALIS KA NGA! SAMI NGA ALA AKO PEYA EH!" sabi ko... aba tumawa ang bata at sinabihan pa akong ngongo!! eh kasi naman pigil nga ang aking paghinga noong mga panahong iyon kaya mukha ngang ngongo ang pananalita ko!! Pagbaba ko sa overpass (finally...) huminga na ako ng malalim... at sinumpang hindi na ako aakyat ng overpass na yun kahit kelan!! Kaya ngayon isa na ako sa mga JAYWALKERS ng IMUS!! heheh

Posted at 05:40 pm by elleic_cielle
 

YEAH MAKE WAVE....

Napakatindi ng init ngayon.. oo sa sobrang tindi ay kahit anong ligo ang gawin ko ay isa lang ang kinahihinatnan ng damit na sinusuot ko..BASA! basa ng pawis ang dilaw na t-shirt na suot-suot ko na hiniram ko pa sa kaibigan ko.. hindi lang t-shirt ang umanong nabasa, pati na rin ang pinakaiingatan kong suot sa ibaba ay basa rin.. hindi pa naman ako dinadatnan ng kabwanang dalaw ay nagtataka ako dahil kahit nakahiga ako at nakaupo ay basa pa rin yon.. Linsiyak na singit 'to! pasmado ata kaka-ligo ko kapag pagod! 

Bueno, naisipan kong gumawa ng "blog" upang maPAUI (oo tama.. maPAUI with matching braces and soprano tune!!!) ang aking inip.. mag-isa lamang ako dito sa bahay at wala talaga akong magawa. nagmistulan akong "aswang"dahil ayokong masinagan ng araw at kahit bumili ng halo-halo sa labas ay hindi ko kinaya. imbis na gumow ako (with tikwas ng daliri effect), nagkulong na lamang ako dito sa bahay kahit basa ako ng PAUIs!!! heheh :) Habang nakahiga ako sa kama, binuksan ko ang TV at nagbakasakali akong may mapapanood.. ngunit gaya ng inaasahan ko puro telenobelang espanyol ang nadatnan ng aking mga mata. wala naman kaming cable para makapag movie marathon o makapanood man lang ng wowow.. (sinong di mawiwili??) kaya naglipat ako ng tsanel hanggang sa napatapat ako sa tsanel 13.. "OMG!" sabi ko.. this is it! no turning back! nasilayan ko sina angelica jones at bobby yan (na mala-joross gamboa ang dating) na naghohost! aba bago ito! sa tingin ko daig na daig nila ang noontime show sa magkaaway na tsanel kaya nilakasan ko ang volume at bumulaga sa akin ang pamagat na CHOWTIME! dali-dali akong kumuha ng pagkain sapagkat inisip ko na maganda nga ang naturingang show.. dahil sa sobrang wili ko sa panonood ng nasabing show ay nagawa ko na lamang na maligo ulit, magbukas ng computer, magcheck ng email at gumawa na ng blog! o di ba SUPER GANDA at EXCITING talaga ng palabas??


Posted at 04:45 pm by elleic_cielle